Saturday, June 5, 2010

Isisi daw ba?

Kung nagmahal ka ng isang taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para magsupply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at sisisihin mo naman ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin. Bakit?


UTANG NA LOOB! Wag mo isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!


TANDAAN MO :
Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa mga nangyayari sa iyo kundi ... ikaw mismo.


- BOB ONG

No comments:

Post a Comment