Thursday, June 3, 2010

Ang laki mong hassle. SOBRA.

Mixed signals ka lagi. Minsan di ka nagpaparamdam. Kung saan saan ka pumupunta. Lakas mong mangasar. Minsan kailangan ako pa yung unang mag-text. Mas sweet ka kapag may kasalanan ka. You're hot then you're cold. Ala katy perry ang drama mo. May mga araw na parang wala kang pakialam sa akin. Minsan laitero ka. Inis ka pag late ako dumating sa usapan. Eh na late lang naman ako kasi nag paganda ako para sayo tapos hndi mo rin napansin. Pag galit ako, sasabayan mo. Pag nagseselos ako, ang labo ng mga sagot mo. Parang gusto mo pa palalain selos ko. Minsan parang ako lang lagi ang may care sa relasyon na to. Pero sa lahat ng 'yon, isa lang masasabi ko. KAHIT HASSLE KA, MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA.

No comments:

Post a Comment