Saturday, June 12, 2010

Sige, ako na.

Sige. Ako na. Ako na ang tanga. Kasi nagmahal ako ng taong hindi dapat. Alam ko naman 'yun eh. Kaso anong magagawa ko? Hindi ko naman kayang pigilan 'to. Eh kahit ikaw nga siguro na nagbabasa nito hindi mo kayang pigilin 'tong nararamdaman ko para sa kanya eh. Hindi naman ako nagrereklamo. Kaso lang, nasasaktan ako eh. Hindi ko alam kung 'san ako lulugar. Di ko alam kung ano ba ko sa kanya. Ang labo nya din naman kasi kausap eh. Actually simula't sapul malabo naman talaga. Hindi ko na nga lang pinapansin eh. Para hndi na ko lalong maguluhan pa. Kaso everytime ba na may sisingit sa amin, ako yung magpaparaya? Di ba parang unfair yon? Pareho naman kaming nagmamahal ah! Ang pinagkaiba lang, sya ang mahal ko. Pero iba yata talaga ang mahal nya eh. Habang tinatype ko tong new post kong to, para kong batang umiiyak. Promise. Sana minsan mapansin nya na sa mga ginagawa nya, nasasaktan ako. Hindi pa ba sapat na sa t'wing nakikita ko sya na masaya sa iba, namamatay ako? Hay nako. Di ko na kayang tapusin 'tong post na to. Pasensya na kung nabitin ka ha. Kailangan ko lang muna ilabas to. Ang hirap kasi eh. Parang sasabog ako pag hindi ko iniyak to. Salamat sayo ah? Hindi man kita kilala at least nabasa mo 'tong blog ko at parang nakausap mo na rin ako. Oh pano? Una na ko ah? Mahaba-habang iyakan pa 'to. Salamat uli sayo. Babye. :'(

2 comments: