Thursday, September 23, 2010

Ikaw na nga.

Madaming bagay dito sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag. Paano ko nasabi 'yun? Sabihin na nating nararanasan ko ito ngayon. Nagmamahal ako ng isang taong hindi ko inakalang mamahalin ko. Sinubukan kong pigilan ito dahil ayoko nang muling masaktan. Pero sa pag daan ng mga araw, unti - unti ko na lang nakikita ang sariling kong nahuhulog na sa kanya. Pinilit kong itago ito sa lahat ng taong malapit sa akin. Masasabi kong ginawa ko ang lahat para iwasan ang nararamdaman ko ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko ito napigilan. Wala akong nagawa. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko "mahal ko na talaga sya". Hindi ko naman pinagsisihan na minahal ko ang taong 'yon. In fact, masaya ako kasi lagi ko na syang kasama ngayon. Nasasabi ko na sa kanya ang mga bagay na dati'y tinatago ko lamang. Napipicture out ko na ang mga pangarap ko sa buhay na kasama sya. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya ang dahilan kung bakit ako maligaya. At sa palagay ko, siya na ang habang buhay kong gusto makasama. :))